Panitikan sa France, Tangkilin at Basahin.



France. Bansa na kung saan kinikilala sa buong mundo. Ikaw, ano ba madalas pumasok sa bawat isip mo pag nababasa mo o naririnig ang bansang France o Pransya? Madalas sainyo ay ang sikat na
"Eiffel Tower" ang una nyo naiisip o di kaya ay mga soptistikadong at uso mga paraan na papanamit sa bansa. Subalit, kung papalawakin natin ang kaaalaman may iba pa yaman at pinagmamalaki ang bansang ito.  


Kilala ang bansang Pransya sa mga nakakaakit na mga pasyalan. Andami sa atin katulad ko, na nangangarap tumira sa bansa ito. Sa kabila na mga dahilan natin na puntahan ang mga sikat na pasyalan o tumira dito dapat mo alamin at palawakin ang isip mo pa sa kultura at kaugalian sa bansa. Bukod sa mga magagandang tanawin, mas pinagyayaman at pinagmamalaki nila ang kanila mga panitikan na dapat kahiligan mo. Pero bakit? Bakit kailangan din natin kahiligan/basahin ang panitikan? Ano nga ba mga panitikan dito?


Ang bansang Pransya ay punong puno na mga akdang pampanitikan na iniwang ala-ala na mga manunulat na nanggaling dito maaring Nobela o Kwentong-Bayan ito. Katulad na mga manunulat na si Victor Hugo, na nag iwan na mga magagandang aral sa kanyang sikat na nobela pinamagatang "Ang Kuba sa Notre Dame." Pangalawa naman ay si Guy De Maupessant na gumawa ng maikling kwento na "Ang kwintas" at si Chloé Delaume na manunulat ng 1973 at mapasahanggang ngayon ay kinilala ang libro nya ginawa noong 2016. 
                         Victor Hugo 

                Guy De Maupessant 

                     Chloé Delaume


Ilan sila sa mga manunulat ito ay maaring mga paksa na ang kwento o akda ay tungkol mga pangyayari sa bansang Pransya noong una panahon. Mas maganda mabasa natin ang mga ilan sa kanilang akda sapagkat ang mga to ay may mga kinapupulutan aral na hindi lang basta inaaplika sa kanilang bansa pati na din sa buong mundo na nagbabasa. Halimbawa na lamang ng "Ang Kuba sa Notre Dame." na may mga paksa na isyung panlipunan na diskriminsyon na pati sa ibang mundo ay naranasan o nararanasan ito.  

Isa din sa mga layunin kung bakit kailangan mo tangkilikin ito ay dahil sa bawat kwento ay makikita mo ang mga tradisyunal na mga kultura sa Pransya. Sa gaanong paraan alam mo ang tamang paggalang sa kanilang kultura o kaya alam mo din makibahagi sa mga kapwa Pranses sakali makasalumuha o makapunta ka sa bansang ito. 


Tunay nga na ang Bansang Pransya ay hindi lamang mayaman sa magagandang tanawin pati na din sa pagpapanatili na mga panitikan sakanila. Pagbabasa isa sa mga una paraan para mas maging maalam ka at malaman ang tama at mali kung sakali ikaw ay tatahak sa mga bagay o lugar na pupuntahan. Pagbabasa ng mga kwento ang sya pa maglalakbay sayo papunta sa kwento. Kaya ikaw, magsimula ka na magbasa at ilakbay ang sarili sa bansang mala romantiko sa Pransya. 

referensya na mga sinaliksik na impormasyon: www.slideshare.net › GlaizaBugarin
Web results
Panitikan ng france - SlideShare







Comments

Post a Comment